Miyerkules, Pebrero 28, 2018



Kulturang Pinoy tiyak na panalo pa din 👍


Pistang Tomasino
Noong bata palang ako ay palagi ko ng ang buwan na sasapit ang piyesta saaming komunidad”. Ako ay sumasali sa mga aktibidad na meron katulad ng mga palaro , pagkain ng mga kakanin  at iba pang mga aktibidad.Simple man ang aming pagdiriwang ngunit Lubos akong natutuwa at masasabi kong ang piyestang ginaganap saaming lugar ay Tiyak na kasabik-sabik may mga palaro, pagkain at kung ano ano pang mga bagay ang mabibili. Ang iba sa mga bagay na ito ay patuloy na sumisikat ngunit ang iba naman ay naluluma o nalalaos na lamang sa pag daan ng panahon. Ang mga bagay na patuloy na sumisikat maski man sa kasalukuyang panahon ay maari nating matawag na“trends” ngunit ang mga bagay na madaling maluma o malaos ay maari naman nating tawaging “fads”. Akala ko hindi ko na ulit mararanasan na makadalo sa isang piyesta ngunit noong Pebrero 12-15 ay naganap ang Pistang Tomasino sa Unibersidad ng Santo Tomas na pinangungunahan ng Simbahayan Community Development. Ang buong akala ko ay magka pareho lamang ang Pistang Tomasino sa pistang aking naka sanayan. Hindi pala ako nag kakamali saaking akala ang Pistang Tomasino ay hindi nag kakalayo sa pistang aking naka sanayan. Ang celebration ng Pistang Tomasino ay simple ngunit nag hatid ng ngiti sa bawat isa. Ang akala kong simpleng pista ay hindi pala dahil ang mga produktong binebenta ay maaring ordinaryo lamang para sa iba ngunit ito ay parang “charity for a cause”. Hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang aking mga napamili sa “mini bazaar”. 


                                                     Hikaw at Porselas




Ang pag gamit ng hikaw at porselas ay naging isang simbolo at naging malaking parte sa pag kaka kilanlan ng babae sa lalaki. Mula sa mga nababasa kong mga libro Noong unang panahon daw ang hikaw ay naging simbolo ng kanilang katayuan sa buhay may kasabihan sila na kapag mas malaki ang suot mong hikaw ikaw ay mayaman o may dugong maharlika.  Ang hikaw ay isang uri ng alahas na kinakabit kadalasan sa tenga.  Ang hikaw ay maari mong ilagay sa kahit na anong parte ng iyong katawan may mga tao na may hikaw sa kanilang dila meron din namang mga tao na may hikaw sa kanilang ilong ang pag lalagay ng hikaw sa ibang parte ng katawan ay maaring naka base sa kulturang meron sila. Mula sa aking nakitang mga bentang hikaw at porselas sa bazaar, sa unang tingin ay nawalan ako ng interest dahil hindi naman ako nag susuot ng mga ganitong klaseng hikaw o mas kilala sa tawag na “danggling earrings” wala din naman akong hilig mag suot ng mga alahas ngunit ng aking lapitan at titigan ng maigi ang produkto ako ay humanga sa pag kakagawa dahil mukhang mabusisi at matrabaho ito kung gagawin. Ako din ay humanga sa mga gumawa nito dahil makikitaan mo ng kalidad ang kanilang mga produkto. Hindi lamang hikaw ang kanilang binebenta meron din silang bentang mga kwintas, wallet, pouches at madami pang iba. Sa tingin ko ang ganitong produkto ang magiging sikat o trendy sa mga darating na panahon dahil kung babalikan natin ang ating kasaysayan meron na silang gamit na mga alahas at ginamit pa nila itong simbolo sa kung anong katayuan nila sa buhay mula noon pa man hangang sa ngayon ay makikita natin na hindi naluluma ang mga alahas lalong lalo na saating mga kababaihan. Nakakatuwang sabihan na ang mga alahas na ito ay gawa ng mga kapatid nating T’boli. 




Balikutsa




Itong produktong ito ay bago saaking pandinig noong una ay nag dadalawang isip ako kung ano ba siya kung pagkaen ba siya o kung ano. Noong tanungin ko si ate Myrnna( nagtitinda ng Balikutsa) kung ano ang Balikutsa ang sabi niya ay ito daw ay Ilokano candy at galing sa probinsiya ng Ilocos Sur, matamis ang lasa nito at natural na asukal pa ang ginamit dito. Nagtaka ako sa ibig sabihin ni ate sa natural na asukal nakakatawa kung iisipin ngunit ano nga ba itong natural na asukal na tinutukoy kaya dulot ng pag tataka ay napabili ako sa produkto ni ate Myrnna. Pag bukas ko sa lalagyanan ng Balikutsa ay natuwa ako ng lubos sa produkto dahil tama nga ang sinabi ni ate na ito ay matamis ang akala ko nga sa una ay biscuit ito ngunit ng aking kagatin ay para akong kumaen ng asukal ng di gaanong matamis yun bang sakto lang ang lasa na gugustuhin o hahanap hanapin ng iyong panlasa. Lahat ng binebenta ni ate ay organic ang natural na asukal na tinutukoy pala niya ay ang sugarcane kaya mas natural ang lasa nito at hindi nakaka umay kung sabihin. Ang Balikutsa ay madalas pinapartner sa mainit na kape at sa bibingka mas masarap ito dahil kusang natutunaw ang “asukal” sa bibig, hindi na kinakailangan gumamit ng asukal na may “preservatives”. Satingin ko ay papatok ito lalo na saating mga Pinoy dahil karamihan saating mga Pinoy ay masyadong conscious pag dating sa pangangatawan itong produktong ito ay tiyak na tatangkilikin dahil ito ay gawa sa organic na proseso at walang halong mga preservatives mababawasan ang pangamba ng mga tatangkilik sa Balikutsa na baka sila tumaba, baka tumaas ang blood pressure at tiyak madami pang iba. Nakakatuwa isipin na may mga ganito parin palang produkto ang ating bansa dapat nating supprtahan at tangkilikin ang sariling atin. 


Bonsai

   Bonsai isang halaman na maliit at may komplikadong pamamaraan ng pag aalaga upang ma limitahan ang pag laki nito. Nang nag punta kami ng aking mga kaibigan sa “mini bazaar” o ang Pistang Tomasino pumukaw kaagad saaking atensiyon yung mga makukulay na halaman nagandahan ako at namangha dahil meron itong iba’t ibang kulay. Dali dali kong pinuntahan ang lugar kung saan ko ito nakita at mas lalo akong namangha saaking nakita dahil ang akala kong tutuong mga halaman ay hindi pala ngunit ito ay gawa sa mga beads at ito ay hand made kung tawagin merong bonsai na iisang kulay lang meron din namang bonsai na may iba’t ibang kulay. Ito ay lubos na naka mamangha dahil ang mga tao sa likod nitong magagandang bonsai ay ang mga babae mula sa parañaque city jail. Ang produktong ito ay bebenta sa mga mamimili at posibleng sumikat dahil ito ay kakaiba at bago sa ating mga mata. 



























   

3 komento:

  1. I like it that you started your review by reminiscing your memories about a typical barrio fiesta and compare it to the concept of Pistang Tomas. However, your content is quite vague and unclear to me. There are a lot of niches to fit in. For example the materials used to create the earrings and the bracelets, color, design and the prices. The people behind it also need a little emphasis since you are doing a review. I commend that you also put emphasis in the different ways of wearing an earring and trace it back to our culture. It is a good perspective. You did a great job describing your second choice. But I also think it can be more appealing if you describe the texture of it that would make your reader crave for balikutsa. I like that you talked about the variation of colors of the bonsai this time. However, the details of how it is made aren’t visible to the photograph. It would be great if you took a closer shot for your readers to appreciate how meticulous it is made. The cost of each size could also your readers decide if they’re gonna buy one or not. But all in all, your review shows that you really interact with the people who sell those products and that's commendable. Good Job!

    TumugonBurahin